Tumingin ka sa iyong paligid... Isang sibilisasyong muling isinilang ng kontemporaryong panahon. Halo-halong pangarap, iba't ibang pananaw. Abala ang mga nilalang upang mabuhay. Hindi alintana ang mga unos na dumarating. ITO ANG MUNDONG AKING KINAGISNAN.
Sa isang sulok ng masikip na daigdig, masisilayan ang isang kabataang may katangkaran, kayumanggi ang lahi at may matayog na pangarap sa buhay. At ako iyon. Isang mag-aaral ng pampublikong paaralan (Mataas na Paaralang Silangang Nasyunal ng Las Piñas Sangay Talon Village) at magtatapos na may karangalang Balediktoryan.Hindi ko gagamitin ang karangalang ito upang ako ay lalo pang makilala o kaya'y maging sikat dahil alam ko, marami rin sa Pilipinas ang magtatapos nang ganito rin ang matatanggap. Ayoko ring ipagmayabang na ako ay mag-aaral ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas - Los Baños sapagkat hindi lang naman ako ang mag-aaral doon. Hindi rin ako kasing husay ng iba na makipagtalastasan sa wikang Ingles. Mayroon man akong kakayahan nito ngunit mas napag-iibayo ako ang sa wikang Filipino-ang wikang may kapangyarihang magbuklod sa mamamayang Pilipino.
Simple... Simple lang lahat ang nais ko. Simpleng buhay. Simpleng pangarap. Kung makakapagtapos man ako ng aking pag-aaral, bukod sa tumulong sa aking pamilya, gusto ko ring tumulong sa iba na maabot din ang kanilang mga pangarap. Nais kong magkaroon ng kaunlaran ang bayang aking sinilangan. May pantay na katarungan at pagtrato sa lahat ng tao, walang katiwaliang namamayani, hindi nabubuhay sa materyal na bagay at may adhikain na magkaroon ng kapayapaan. Naniniwala ako na hindi mo kailangang magkaroon ng posisyon sa gobyerno upang makatulong sa ating mga kapwa. Ang simpleng IKAW ay sapat na.
Hanggang dito nalang siguro. Ayoko nang masyadong ipinapakilala ang kaloob-looban ng aking sarili. Gusto kong kayo ang makakilala sa akin.
Bago ang lahat, mayroon akong Facebook account, iadd niyo na lamang ako :)
http://www.facebook.com/carl.david.cepeda
~ Carl David Pamittan Cepeda
